SonnyAll Exhibit, Mayor Sonny Perez Collantes.

#WEcanbeEquALL | “Kasama Wall, #SonnyAll Exhibit” ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

#WEcanbeEquALL | “Kasama Wall, #SonnyAll Exhibit” ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pormal nang binuksan ngayong umaga
Kaalinsabay ng Selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan sa Lungsod ng Tanauan, pormal ding binuksan ngayong umaga ang “Kasama Wall, #SonnyAll Exhibit” ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na pinagunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes, Sangguniang Panlungsod at Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Rebecca Javier.
Layon nitong ibahagi sa publiko ang mga aktibidad ng naturang Tanggapan alinsunod sa pagpapalawig ng mga programang pumoprotekta sa mga karapatan at naglilinang ng kakayahan ng mga Tanaueña sa bawat larangan.
Ilan lamang ito sa patuloy na inisyatibo ito ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kaisa ang Philippine Commission on Women sa pagtataguyod ng isang inklusibong lipunan para sa mga kababaihan.
Previous 27th Flag Raising Ceremony

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved