Water Treatment Plant sa Lungsod ng Tanauan

Bagong Water Treatment Plant sa Lungsod ng Tanauan, magkatuwang na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod at South Luzon Water ngayong World Water Day
Alinsabay sa selebrasyon ng World Water Day, tagumpay na pinasinayan ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang Sangguniang Panlungsod at pamunuan ng South Luzon Water ang pagbubukas ng bago at kauna-unahang Sambat Water Treatment Facility ng Lalawigan ng Batangas.
Bukod dito, kabilang din sa pinasinayaan ay ang Mobile Water Treatment Facility at ang apat na bagong electric generator upang masiguradong tuluy-tuloy ang supply tubig sa Lungsod at sa mga malalayong barangay nito.
Ang proyektong ito ay kaugnay sa programa ng Pamahalaang Lungsod at ng South Luzon Water katuwang ang Tanauan Water District na mapanatiling malinis at ligtas mula sa banta arsenic na mapanganib sa kalusugan ng ating mga TanaueΓ±o.
Nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa masigasig na pakikipagtulungan ng nasabing ahensya upang mapanatiling sapat at dekalidad ang supply ng tubig sa buong Lungsod.
Sa kabilang banda, ayon kay South Luzon Water Operations Manager Ms. Angelie Miranda, kasalukuyang sinu-supply-an ng Sambat Water Pump ang higit 13,0000 mga konsumer mula ang Barangay Poblacion 3, 5, 7, Sambat at Natatas, kabilang na ang New Tanauan City Hall Building. Habang nakatakdang supply-an ng pumping station na ito ang itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa rito, ibinahagi naman ni Tanauan Water District Chairperson Engr. Apolinario Hernandez na pinagpaplanuhan na rin ng kanilang tanggapan ang pagpapaigting ng septage and sewage system kasama na ang pipelaying na kasalukuyang isinasagawa sa Poblacion Area.
Previous Pakikiisa sa Buwan ng ramdam para sa ating mga kapatid na Muslim

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved