Urban gardening para sa mga magsasakang Tanaueño, isusulong ni Mayor Sonny katuwang ang Office of the City Agriculturist
Alinsunod sa pagpapalakas ng industriya ng pagsasaka sa Lungsod ng Tanauan, kasalukuyan nang pinagpaplanuhan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ni Office of the City Agriculturist head Mr. Sherwin Rimas ng pagtatayo ng “Urban Garden” o ang “Vertical Stand Gardening.”
Layon ng proyektong ito na maghatid ng karagdagang kita at hanapbuhay para sa ating mga Tanaueño kung saan sila ay tuturuan ng mga modern at makabagong pamamaraan ng pagtatanim. Bukod dito, target din ng proyekto na panatilihin ang seguridad ng pagkain sa para sa mga mamamayan.
Sa talakayan, ibinahagi rito ang mga kinakailangang kagamitan, Start-Up Production Kit at startehikal na project monitoring upang masiguradong income-generating din ang mga maaaning gulay rito. Habang target naman na itayo ang proyektong ito sa limang urban at peri urban na Barangay sa Lungsod na pangangasiwaan ng mabubuong Barangay Farmers Association.
Ilan din sa mga inaasahan na makipagtulungan sa pagsasakatuparan ng proyektong ito ay si TWCC Atty. Cristine Collantes at ang Tanauan City Mushroom Growers Association na layong pagyabungin pa ang industriya ng pagkakabute sa Lungsod.