UPDATE | Ngayong ibinaba na sa Signal No. 1 ang Lalawigan ng Batangas

UPDATE | Ngayong ibinaba na sa Signal No. 1 ang Lalawigan ng Batangas, alinsunod sa direktiba ni Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ay nagsagawa ngayong umaga ng clearing inspection ang City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at Tanauan Local Social Welfare and Development kasama ang United KABALIKAT Civicom Volunteer Group upang alamin ang pinasalang idinulot ng Bagyong #PaengPH sa mga kababayan natin sa Brgy. Montaรฑa.
Tinatayang aabot sa 19 na pamilya o 76 indibidwal ang inilikas ng Pamahalaang Lungsod nitong kasagsagan ng pananalasa ng nasabing bagyo.
Nagpaabot din ang Pamahalaang Lungsod ng relief goods at pansamantalang lokasyon na masisilungan ng ating mga kababayan habang kasalukuyang pinag-aaralan ang kabuuang pinasalang iniwan ng Bagyong PaengPH sa ating Lungsod.
By: Ranch / Photo by: Roderick Lanting
Previous #UNDAS2022 | Schedule ng mga Sementeryo sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved