UPDATE | Kasalukuyang nailikas na at namamalagi sa Gym 1

UPDATE | Kasalukuyang nailikas na at namamalagi sa Gym 1 ang mga residenteng nakatira sa Barangay Poblacion 1, 2, at 3 at iba pa nating mga kababayang apektado ng paglaki ng tubig sa San Juan River dulot ng Severe Tropical Storm #PaengPH.
Walang humpay rin ang pagpapaabot ng tulong ng ating lokal na pamahalaan kung saan patuloy ang pamamahagi ng mga relief goods, gamit pantulog at paghahanda ng mga modular tents para sa lahat ng lumikas.
Nakaantabay at isinasagawa na rin ang disaster operations sa iba’t ibang barangay, katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno alinsunod sa direktiba ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes.
Mahigpit na inaabisuhan ang lahat na lumikas na, partikular ang mga mamamayang nakatira sa disaster-prone area at paligid ng baybay lawa ng Taal bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Patuloy na pinag-iingat din ang lahat dahil sa kasalukuyang blackout na nararanasan sa ilang bahagi ng ating Lungsod.
By: Ranch
Previous TINGNAN | Tuloy-tuloy ang isinasagawang relief operation ng ating Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved