United Nations Capital Development Fund

United Nations Capital Development Fund, bumisita sa Lungsod ng Tanauan upang alamin ang Sustainable and Ecologically Balanced City na isinusulong ni Mayor Sonny Perez Collantes
Alinsunod sa isinusulong na Ecologically Balanced City ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, nabigyan ng pagkakataon ang ating Pamahalaang Lungsod upang mailatag sa UN Capital Development Fund ang mga planong sustainable programs tulad ng paggamit ng renewable energy sa Lungsod ng Tanauan.
Sa panayam ni Mayor Sonny kay UNCDF Regional Technical Advisor Mr. Paul A. Martin, ang pagkakaroon ng mataas na singil sa kuryente at pagiging disaster-prone area ng Tanauan ang nagtulak sa kaniya upang ipanukala ang planong pagkakabit at paggamit ng solar-generated energy para sa mga Tanggapan ng Pamahalaan na matatagpuan sa Bago at Lumang City Hall, planong buksang Medical Health Facility at sa itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project sa Brgy. Sambat.
Aniya, magiging malaking kapakinabangan ito sa pagbawas ng carbon-emission ng Lungsod at sa pagmenos ng gastos sa utility expenses ng ating pamahalaang lungsod na layuning maghatid ng karagdagang pondo para sa mga serbisyong inihahatid nito para sa mga mamamayan.
Bukod dito, ibinahagi din ni Mayor Sonny ang planong pagpapatayo ng Mini Dam na layong matutugunan ang bumababang level ng tubig na nararanasan ng ating mga kababayan dulot ng mataas na demand at konsumo nito sa Lungsod.
Samantala, upang alamin ang kalagayan ng isa sa disaster-prone area ng Lungsod, personal din na binisita ni Mr. Martin ang Maruja at ilog na matatagpuan sa Brgy. Poblacion 6 kung saan kasalukuyang nakatayo ang ilan sa mga bahay ng ating mga kababayan.
Mula rito, buong loob na nangako ang UNCDF na bukas ang kanilang tanggapan upang mapag-usapan ang mga kaukulang hakbang na kanilang maitutulong para sa karagdagang proseso at pagpopondo sa nasabing proyekto. Malugod din na inimbitahan ng UNCDF ang ating Punong Lungsod sa nakatakdang forum ng mga bansang kasapi sa ASEAN na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na Disyembre.
Sa kabilang banda, kasamang inilibot ng ating Community Affairs Office (Cao Tanauan) sa pangunguna ni Mr. Ed Jallores at CAO-Tourism Head Ms. Malen Calimag ang ating bisitang si Mr. Martin sa iba pang bahagi ng ating Lungsod partikular na sa Baybay Lawa ng Taal at Tagpuan sa Brgy. Gonzales kung saan inihanda ang ilan sa ipinagmamalaking putahe sa Lungsod.
By: Ranch
Previous Pagsasaayos ng mga kalsada sa Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved