“Ulirang Ina 2023 Awards”

IN PHOTOS | Mga natatanging Kababaihan sa Lungsod, kinilala sa “Ulirang Ina 2023 Awards”
Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng mga Ina, tagumpay na binigyang-pagkilala rin ang mga natatanging Nanay sa Lungsod ng Tanauan sa ginanap na “Ulirang Ina 2023 Awards” na pinangunahan ng Samahang Batangueña Para Sa Kaunlaran Inc. – Tanauan City Chapter sa pangunguna ni Gng. Emer Almeda Lirio katuwang ang sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at mga bumubuo ng Pamahalaang Lungsod
Ang mga nasabing Ina ay mga kababaihan mula sa 32 mga Barangay sa Lungsod na nagpamalas ng angking husay, nagsilbing inspirasyon at naghatid ng mga natatanging kontribusyon hindi lamang sa kanilang pamilya, kundi pati sa kanilang mga kinabibilangang industriya at komunidad.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, aming ipinapaabot ang taos pusong pagbati at pasasalamat sa inyong dedikasyon! Mabuhay ang bawat Ina sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Ika-120 Taong Anibersaryo ng Kamatayan ni Gat Apolinario Mabini

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved