bagong School Building at Gymnasium, Sala Elementary School, Tanauan

Turn over ng bagong School Building at Gymnasium, Sala Elementary School

Bagong School Building at Gymnasium, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Maitet Collantes!
Alinsabay pa rin sa paghahanda sa paparating na balik-eskwela, pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay blessing and turn over ng bagong school building at gymnasium para sa Sala Elementary School ngayong araw.
Ang two-storey, four classrooms na school building ay isa 35 school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ng Special Education Fund.
Habang ang kaloob na gymnasium naman ay mula sa tanggapan ng ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Samantala, kabilang rin sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang pamunuan at kawani ng Sala Elementary School sa pangunguna ni Dr. Arlene De Castro, Sangguniang Barangay ng Sala sa pamumuno ni Kap. Candido Terrones, DepEd Tanauan City District Supervisor Mr. Rommel Villanueva, School PTA President Mr. Michael P. Mabait at Pastor Addie Asi.
Previous Scholarship grants Benificiaries ng Soroptimist International of Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved