Tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa pangangailangan ng bawat Tanaueño!

Ngayong Huwebes maraming kababayan natin ang nagtungo sa Tanggapan ng mga Mamamayan upang mailapit ang kanilang mga medikal na pangangailangan sa ating Punong Lungsod para sa kanilang hospitalization, chemotherapy, dialysis maintenance at iba pang tulong pinansyal.

Kabilang sa mga ibinababang tulong ni Mayor Sonny katuwang si Atty. Cristine Collantes ay ang burial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Samantala, bukas mula 8:00AM hanggang 5:00PM tuwing araw ng Huwebes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa lahat ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong mula sa ating Lokal na Pamahalaan.

Previous Mabuhay ang mga bagong kasal!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved