IN PHOTOS | Tuluy-tuloy ang bakunahan para sa mga chikiting sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng ating City Health Office!
Sa kasalukuyan, 67.9% o higit 10,000 mga bata na may edad 9 na buwan hanggang 59 na buwan ang nabakunahan sa Lungsod ayon sa pinakabagong ulat ng DOH Batangas Province.
Patuloy din ang pag-ikot ng ating Tanauan CHO sa lahat ng barangay upang ihatid ang MR OPV SIA o Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Vaccine. Ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng Mayo.
Para naman sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Tanauan City Health Office, Lunes hanggang Biyernes 8:00 AM to 5:00 PM sa Mega Health Center (Old City Hall Building) Tindalo St., Brgy. Población 3, Tanauan City.