Kasabay ng unang araw para sa pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan, nagkaroon ang Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. ng Regular Meeting sa pangunguna nina Atty. Cindy Reyes at Atty. Cristine Collantes para sa mga nakatakdang programang ibababa sa Sektor ng mga kababaihan sa Lungsod at Bayan ng ating Lalawigan.
Sentro ng pulong ang pagtatalakay sa mga sumusunod:
-Proposed Procedure for Accreditation of Women Councils
-Planong implentasyon ng Tree Planting Day sa pamamagitan ng “Kababaihan Para sa Inang Kalikasan”
-Planong pagkakaroon ng Free Denture Program sa pamamagitan ng “Ngiti mo Sagot ko”.
Kabilang din sa pinag-usapan ang pagkalap at pagbuo ng iba pang proyekto upang palawigin pa ang maihahatid na serbisyo para sa pagpapalakas ng Sektor ng Kababaihan sa buong Batangas.