Training on Developing Gender-Sensitive and Effective Managers of Cooperative, binisita ni Mayor Sonny Perez Collantes
Personal na binisita at nagpaabot ng suporta si Mayor Sonny Perez Collantes sa isinasagawang Training on Developing Gender-Sensitive and Effective Managers of Cooperative ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) na dinaluhan ng 25 COOP managers sa lungsod.
Ang pagsasanay na ito ay tatagal hanggang ika-30 ng Setyembre na layuning bigyang-kaalaman ang bawat COOP Manager sa mga sumusunod na area:
• Personal Efficacious
• Gender Sensitivity
• Mainstreaming GAD in Cooperatives
• Issues and Challenges on Cooperative Management
• Day-to-day office management
• Personal Efficacy
• Marketing Management
• Production Management
• Financial Management
Ayon kay Mayor Sonny, patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagpapalawig ng TESDA Trainings tulad nito para sa Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kay Congw. Maitet Collantes at TESDA-Batangas kung kaya’t hinikayat ang mga Tanaueñong gustong maging bahagi ng mga skills training programs na makipag-ugnayan lamang sa CCLDO para sa iba pang detalye.
Ibinahagi rin ng Alkalde ang planong pagbubukas muli ng tradisyunal na Sedera sa Disyembre para sa ating mga kababayang nais magtinda ng Produktong Tanauan.