Sabang River Eco Park

Tourism Information Center, maaari nang bisitahin sa Sabang River Eco Park!

Mas maaliwalas at kaakit-akit na Tourism Information Center, maaari nang bisitahin sa Sabang River Eco Park!
Mula sa adhikain ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mapanumbalik ang mayamang Turismo ng Tanauan, agaw pansin ngayon ang luntiang Tanauan City Tourism Information Center sa Sabang River sa bahagi ng Brgy. Gonzales.
Katuwang ang Community Affairs Office – Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Marilyn Calimag at Mr. Edison Jallores iba’t ibang halaman ang maaaring makita sa paligid ng ilog na tiyak na magiging patok para sa mga turista na mahilig sa picture perfect view at Instagramable na pasyalan.
Matatandaang alinsunod ito sa adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes na pagyamanin ang Turismo sa Lungsod ng Tanauan, upang maging sentro ng destinasyon ng ating mga kababayan sa buong Lalawigan ng Batangas.
Previous Metro Manila Turf Club Inc., naghandog ng tulong donasyon sa Pamahalaang Lungsod!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved