Naging agaw pansin sa publiko ang mga disenyo at mga paandar ng mga tanggapan sa New City Hall bilang bahagi pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Civil Service. Animo’y nasa lugar ka ng pinagdadausan ng mga pistang pinoy kasabay ng paghahanda ng mga pagkain at makukulay na dekorasyon.
Tuloy-tuloy naman ang maghapong programa sa loob ng City Hall na binubuo ng iba’t ibang kompetisyon.