TINGNAN | Ala-fiestang selebrasyon ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service sa City Government of Tanauan

 

TINGNAN | Ala-fiestang selebrasyon ng ika-122 anibersaryo ng Philippine Civil Service sa City Government of Tanauan
Nagmistulang fiesta ngayong umaga sa New Tanauan City Hall kung saan nakibahagi ang bawat tanggapan sa iba’t ibang aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Human Resource Management and Development Office (HRMDO) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-122 anibersaryo ng Phillipne Civil Service.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang Platong Pinoy Cooking Contest na nilahukan ng bawat kinatawan ng iba’t ibang tanggapan na ibinida ang kani-kanilang ‘especialty’ na putahe.
Habang maaaring bisitahin at maki-fiesta din sa mga opisina kung saan may inihandang pakulo at samu’t saring dekorasyon alisunod sa temang Pistang Pinoy.
Inaasahan naman na mamayang hapon gaganapin ang Culminating Activity para naman sa Lakan at Lakambini at Awarding Ceremony para sa mga kalahok na nanalo sa mga nasabing aktibidad.
Previous 3RD VAWC QUARTERLY MEETING TAGUMPAY NA PINANGUNAHAN NG TANAUAN CSWD

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved