Technical Vocational Training Programs Graduation Ceremony

TAGUMPAY na nagsipagtapos kahapon ang ating mga Tanaueñong sumailalim sa libreng skills training na hatid ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. May Fidelino.

Ilan sa mga libreng TechVoc training na inihatid sa pamamagitan ng TESDA Regional Training Center at Rubiks Manpower and Training Center ay ang mga sumusunod:

• Skills Training on Clowning and Hosting

• Bread and Pastry Production NCII

Samantala, sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng mga programang mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga kababayan.

Habang kasabay nito ang pamamahagi ng libreng Tool Kits bilang tulong sa kanila na magkaroon ng kabuhayan gamit ang kanilang nakuhang training handog ni Congw. Maitet at Pamahalaang Lungsod. Gayundin ang pagpapaabot ng Libreng Costume para naman sa mga Clowning and Hosting Graduates.

Muli, Congratulations sa inyong lahat!

Previous Data Sharing Agreement at Turn Over ng Listahan 3 Data

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved