Tanaueñang si Jezza Mae Quiogue, wagi sa Tawag ng Tanghalan Season 6!

Tanaueñang si Jezza Mae Quiogue, wagi sa Tawag ng Tanghalan Season 6!
Sa muling pagbisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ni Ms. Jezza Mae R. Quiogue ng Brgy. Darasa, masayang ibinahagi nito kay Mayor Sonny Perez Collantes ang pagkapanalo bilang Third Placer sa Tawag ng Tanghalan Season 6.
Ayon kay Mayor Sonny, isa si Ms. Jezza sa ehemplo ng talento at husay ng mga kabataang Tanaueño sa larangan ng pag-awit. Pinuri rin ng ating Alkalde ang naging singing performance sa national television at aniya’y maituturing na karangalan din para sa Lungsod ng Tanauan.
Habang patuloy naman ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod para sa mga kabataang may angking galing pagdating sa iba’t ibang larangan.
Muli, Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati Ms. Jezza Mae!
Previous Karagdagang Dental Supplies para sa Lungsod ng Tanauan, ipinaabot ng DOH Region IV-A

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version