Sa pangunguna ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, tinalakay ngayong 1st Quarterly Meeting ang nakatakdang cross learning benchmarking ng mga lider-kababaihan sa Davao City na layong palakasin ang iba’t ibang programang ihahatid para sa Lungsod ng Tanauan.
Kabilang din sa tinalakay ang mga aktibidad para sa darating Women’s Month Celebration sa Marso na lalahukan ng iba’t ibang organisasyon ng 48 na mga Barangay.
Habang nakiisa rin upang magbigay ng suhestiyon para sa sistematikong pagbababa ng mga programa sina Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes.
Kaugnay nito, magsasagawa rin ng consultative dialogue sa bawat barangay si TWCC Atty. Cristine katuwang ang GAD-Tanauan City at Tanauan CSWD upang direktang malaman ang pangangailangang programa ng bawat komunidad sa Lungsod.