Tanauan Patrol Police Force Multipliers 1st Founding Anniversary

Tanauan Patrol Police Force Multipliers 1st Founding Anniversary
Nakibahagi ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Konsehal Eugene Yson sa matagumpay na pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Tanauan Police Force Multipliers ngayong araw.
Ang naturang seremonya ay naging daan upang mas mapalawak ang relasyon ng Pamahalaang Lungsod sa iba’t ibang samahan at organisasyon sa Tanauan na magiging katuwang ng ating butihing Mayor sa paglilingkod para sa ating mga kababayan.
Bahagi rin nito ang pagpapaabot ng mensahe nina Mayor Sonny at Congresswoman Maitet para bigyang papuri ang kanilang organisasyon dahil sa patuloy na pakikiisa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Happy First Founding Anniversary, Tanauan Police Force Multipliers!
Previous Solidarity Meeting Little League Philippines Series 2023

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved