Tanauan Organic and Natural Farmers Agricultural Cooperative General Assembly

Tanauan Organic and Natural Farmers Agricultural Cooperative (TONFAC) General Assembly
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Lungsod, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang mga miyembro ng TONFAC kaninang umaga ang General Assembly.
Sa pamamagitan ng talakayang ito, naibahagi ni Mayor Sonny ang ilan sa mga pangunahing programa ng Pamahalaang Lungsod para sa ating mga magsasaka tulad ng libreng abono at buto, skills training program at insurance. Kaniyang binigyang-diin na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ating Lungsod sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalago ang industriya ng organic farming.
Habang ginarantiya naman ni Congw. Maitet na patuloy na bukas ang kaniyang tanggapan para sa ating mga magsasaka upang iparating sa pamahalaang nasyunal ang kanilang mga pangangailangan tulad ng mga makinarya at farm-to-market roads.
Previous Moving Up Ceremony Daycare Center students from Brgy. Banjo East, Banjo West, Ramonita County Homes at Darasa Central.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved