Sonny Perez Collantes

Tanauan Institute Alumni Batch ’87

Tanauan Institute Alumni Batch ’87, magiging kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaabot ng mga programa para sa ating mga kababayan!
Kasabay ng Oathtaking Ceremony ng mga bagong opisyales ng Tanauan Institute Alumni Batch ’87, iminungkahi nila sa ating Punong Lungsod sa pangunguna ng kanilang presidente Tirso Oruga ang planong pakikipagtulungan sa mga programa ng ating Punong Lungsod para sa ating mga kababayan.
Inihayag naman ni Mayor Sonny Perez Collantes na bukas ang Lokal na Pamahalaan para sa kanilang suhestyon. Aniya, siya ay patuloy na nakikipagpulong at nakikipagtulungan sa iba’t ibang pribadong sektor para sa pagpapaunlad ng ating Lungsod na lilikha ng maraming oportunidad sa ating mga kababayan.
Previous Sistematikong programa para sa Transportasyon at maayos na daloy ng trapiko para sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version