Tanauan City’s 21st Flag Raising Ceremony | “Pagtutulungan at masigasig na paglilingkod para sa taong 2023!”
Sa unang araw ng regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong taon, hinikayat ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na na gawing pamantayan ang taong 2023 upang patuloy na paigtingin ang tungkulin sa paglilingkod sa ating mga kababayan.
Kasabay nito, ang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng Civil Security Unit (CSU), Traffic Management Office (TMO), Patrol Police Force Multipliers at Tanauan Salaam Police na naging kabahagi ng Philippine National Police (Tanauan City) sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating Lungsod sa nakalipas na pagdiriwang ng kapaskuhan at Bagong Taon.
Pinuri naman ng ating Punong Lungsod ang ating mga atleta na nagkamit ng karangalan sa Lungsod ng Tanauan, kabilang dito ang kababayan nating si Michaela Paulette Nones Domantay na nakapag-uwi ng mga medalya (3 golds, 2 Silvers at 1 Bronze) sa larangan ng Ice Skating sa katatapos lamang na Skate Bangkok 2022 na ginanap sa bansang Thailand.
Kinilala rin sina Julian Ethan Sebastian Lantican, Florianne Limbo, Ethan Gabriel Lomibao, Sofia Nathalie De Villa at Gladimir Romero na humakot ng iba’t ibang medalya sa Batang Pinoy 2022 noong nakaraang buwan.