Tanauan City Youth Farmers Association, wagi ng ikatlong puwesto sa katatapos lamang na Binhi ng Pag-Asa Program Provincial Summit ng Department of Agriculture!
Pinatunayan ng ating mga kabataan ang natatanging husay ng bawat Tanaueño matapos makamit ng Tanauan City Youth Farmers Association na binubuo nina Relson James Q. Perlada, Marjorie U. De Guzman at Charles Serafin Maunahan ang ikatlong puwesto sa katatapos lamang na Binhi ng Pag-Asa Program Provincial Summit na pinasinayaan ng Department of Agriculture noong ika-2 ng Disyembre.
Ang naturang patimpalak ay pinamagatang “Step Up Cup: Youth Towards Leadership”, isang Business Proposal Making Contest na layuning ipakilala ang angking husay ng ating mga kabataan sa pagbuo ng iba’t ibang konsepto patungkol sa pagpapaunlad ng sektor ng Agrikultura sa bansa.
Ang buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes ay buong pusong ipinagmamalaki ang inyong naiuwing karangalan sa mahal nating Lungsod!