Tanauan City Senior Citizens President Federation

Pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si OSCA Head Leonardo Mercado sa naganap na pagpupulong ng Tanauan City Senior Citizens Federation President ngayong araw upang talakayin ang mga plano, paghahanda at mga programa para sa Taong 2024.

Kabilang din sa pinag-usapan kung sino ang magiging bagong Presidente ng nasabing grupo at planong handog na sasakyan para sa kanila upang mapadali ang paghahatid ng serbisyo at programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Senior Citizens sa ating mga komunidad.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, patuloy ang pagpapalawak ng suporta at mga proyektong makatutulong na mapangalagaan ang sektor ng Senior Citizens sa Lungsod.

Previous DepEd Tanauan City-TIBAY TANAW Program, inilunsad sa Lungsod!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved