Tanauan City Health Office, kinilala sa iba’t ibang parangal ngayong Pebrero!
Muling nagkamit ng karangalan ang ating Tanauan City Health Office sa dalawang magkahiwalay na seremonya nitong buwan ng Pebrero!
Sa pangunguna ni CHO head Dra. Ana Dalawampu, personal na tinanggap ng Lungsod ng Tanauan ang plake ng pagkilala bilang “2nd Place City With Highest Fully Vaccinated Overall Coverage” sa katatapos lamang na “SULONG CALABARZON, SULO NG KALUSUGAN!” First Integrated Regional Awarding and Recognition.
Habang nitong Martes, ika-21 ng Pebrero, nag-uwi rin ng karangalan ang Lungsod ng Tanauan sa ginanap na 3RD REGIONAL NEWBORN SCREENING AWARDING kung saan itinanghal bilang Newborn Screening Hall of Fame ang SAMBAT BIRTHING HOME at Exemplary Award para naman sa PAGASPAS BIRTHING HOME.
Muli, sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, taos pusong pagbati po sa inyong walang humpay na dedikasyon sa larangan ng kalusugan.
Ang tagumpay na ito ay isang inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang paglilingkod ng bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!