Tanauan City Emergency Disaster Meeting

Tanauan City Emergency Disaster Meeting

Bunsod ng masamang panahon dulot ng bagyong #KardingPH, agad na pinulong ni Mayor Sonny Perez Collantes ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kasama ang ibang Department Heads ng iba’t ibang tanggapan bilang paghahanda sa posibleng pinsala ng bagyo sa ating Lungsod.

Kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at ang ating City Administrator Wilfredo Ablao na kasalukuyang hepe ng CDRRMO, binuksan bilang Evacuation Center ng ating mga kababayan ang Gymnasium 1 at Gymnasium 2 sakaling kailanganing ilikas ang mga naninirahan sa mga Disaster prone areas. Kasabay nito ang pagbibigay direktiba sa pagkakansela ng mga klase sa lahat ng antas sa Lungsod.

Pinaalalahanan naman ni Mayor Sonny ang City Social Welfare and Development na ihanda ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan sakaling lilikas ang mga ito sa mga Evacuation Center. Inatasan din ang CDRRMO na manatiling i-monitor ang mga kababayan nating nakatira malapit sa baybay lawa at hikayatin ang mga residente na agad ng magtungo sa pinaka malapit na Evacuation sa kanilang barangay.

#KardingPH
#CityGovernmentofTanauan

Previous Culminating Acticvity for Specialized Training Program

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version