Tanauan City Cacao Farmers Association, sumailalim sa 2 Day Training hinggil sa Cacao Processing ng Pamahalaang Lungsod at DOST!
Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan at Department of Science and Technology ukol sa Cacao Processing para sa ating Tanauan City Cacao Farmers Association.
Sa pamamagitan nito, inaasahan na makakapag-prodyus ang nasabing asosasyon ng mga Dark Chocolates na maaari nilang ibenta, pagkakitaan at ipakilala ang ating mga Lokal na produkto.
Samantala bilang isa sa mga prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang proyektong pang-agrikultura, isa ang pagtatanim ng cacao sa posibilidad na maaaring mapalago at mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. Kaniya ring binigyang diin naniniwala pa rin sya na ang pera ay nasa Agrikultura kung kaya’t kaniyang hinimok ang ating mga kababayan sa pagtatanim.