Tagumpay na isinagawa ngayong araw ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas.

Tagumpay na isinagawa ngayong araw ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan nina Konsehal Dra. Kristel Guelos at Konsehal BGen Ben Corona.
Kasabay nito ang pagpapaabot ng anunsiyo ng tanggapan ng Human Resource Management and Development Office (HRMDO) hinggil sa mga programang kanilang inihanda bilang pakikiisa sa World Mental Health Week.
Buong pagmamalaki namang ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod na si Mayor Sonny Perez Collantes ay ang representante ng League of Cities of the Philippines sa ginaganap na #UCLG Congress World Summit of Local and Regional Leaders sa Daejeon, South Korea. Ito ay isang pambihirang pagkakataon na maging representante ng bansa sa ganitong ka prestihiyosong pagtitipon, kung kaya’t habang wala ang ating Punong Lungsod ay tungkulin naman ng ating Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad na mangasiwa sa regular na operasyon sa City Hall.
Previous HAPPENING NOW | Laro ng Lahi na Tug of War, Palo Sebo at Sack Race

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version