Taal Lake Golf & Country Club sa Lungsod ng Tanauan, kasado na!

Taal Lake Golf & Country Club sa Lungsod ng Tanauan, kasado na!
Bilang hakbang tungo sa isang Business-friendly City, kasado na ang pagtatayo ng Taal Lake Golf & Country Club sa Lungsod ng Tanauan matapos tagumpay na pinasinayaan ngayong araw, ika-03 ng Disyembre ang Groundbreaking Ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at mga kawani ng Taal Lake Golf & Country Club.
Kabilang din sa nakiisa sa aktibidad na ito sina Vice Governor MARK LEVISTE, 3rd District Board Member Fred Corona at Barangay Gonzales Capt. Rico Alcazar na kabahagi ng Pamahalaang Lungsod upang mapalakas ang ating ekonomiya.
Patunay ito na tuluy-tuloy ang inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny upang makahikayat pa ng mamumuhunan na magdadala ng oportunidad ng kabuhayan at turismo sa ating Lungsod.
Previous Programa upang Palakasin ang Sektor ng Edukasyon, Suportado ng Pamilya Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version