Sustainable Livelihood Program para sa ating mga kababaihan, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at DSWD Region 4A!

Patuloy ang paghahatid ng suporta mula sa ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes para sa ating mga kababaihan sa Tanauan.

Ngayong araw kasama ang samahan ng mga kababaihan mula sa Barangay Darasa, Bagumbayan, Poblacion 2 at Poblacion 4, kanilang natanggap ang tulong suporta sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD Region 4A at ng ating Lokal na Pamahalaan.

Inisyatibo ito ni Mayor Sonny at Pangulo ng Kababaihan sa Lungsod na si Atty. Cristine Collantes na mabigyan ng puhunan ang ating mga kababaihan para makapagsimula sa kanilang itatayong negosyo sa Lungsod ng Tanauan na layong mapabuti ang antas ng pamumuhay ng ating mga Tanaueña.

Previous “Groundbreaking Ceremony” ng Loyola Gardens Tanauan

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved