Sustainable Blood Supply para sa mga Tanaueño

Sustainable Blood Supply para sa mga Tanaueño, pagtitibayin ng Pamahalaang Lungsod at Philippine Red Cross!
Sa patuloy na pagtutulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at Philippine Red Cross Tanauan, patuloy na isusulong ang sustainable blood supply para sa mga nangangailangang mga Tanaueño.
Hangad nito na maibigay ang pangangailangan ng ating mga kababayan upang sa ganoon ay ‘di na kailangang maghanap pa sa mga karatig Lungsod o bayan. Paiigtingin din ang pagsasagawa ng mga programa gaya nang Blood Donation Activity na layong makalikom ng maraming suplay ng dugo para sa mga Tanaueño.
Kabilang lamang ito sa tugon ng ating Punong Lungsod sa serbisyong pangkalusugan upang agarang maibigay ang pangangailangan ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Previous UNDAS CEDERA!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version