Board Meeting

Suliranin hinggil sa mataas na Inflation Rate sa bansa, kabilang sa binigyang pansin sa ika- 74 LCP National Executive Board Meeting!

Suliranin hinggil sa mataas na Inflation Rate sa bansa, kabilang sa binigyang pansin sa ika- 74 LCP National Executive Board Meeting!
Bilang kinatawan ng Mobility and Transport Focal Mayor sa League of Cities of the Philippines, nakiisa si Mayor Sonny Perez Collantes sa ika-74 League of Cities of the Philippines Board meeting nitong Martes upang talakayin ang mga pangmatagalang solusyon hinggil sa mga pangunahing suliranin sa ating bansa.
Kabilang na rito ang problema ukol sa mataas na inflation rate o pagtaas ng mga bilihin at kung papaano mabibigyan ng agarang aksyon at komprehensibong mga plano.
Kabilang din sa diskusyon ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga Lokal na ehekutibo sa ating bansa para sa mas malawak na mga programa na ihahatid sa kanilang mga Lungsod.
Samantala, nakatakda namang pag-usapan sa susunod na agenda ang usapin hinggil sa pagpapaigting ng kaayusan at kapayapaan sa buong bansa.
Actual Stories:

Previous Tanauan City Labuyo Football Team Kampyeon!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved