Social Pension para sa mga Senior Citizens ng Lungsod ng Tanauan

Social Pension para sa mga Senior Citizens, sinimulan nang ipamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw!
Sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Social Pension para sa higit 5,170 nating mga Senior Citizen sa Lungsod na naging posible sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Tanauan Local Social Welfare and Development at City Treasury Office.
Ang nasabing pensyon ay mula Enero hanggang kasalukuyang buwan na agarang ipinapamahagi ng lokal na pamahalaan. Bahagi rin ang nasabing programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapalawig ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nangangalaga sa mga Indigent Senior Citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangan.
Naging bahagi rin ng nasabing pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes , Kon. CZYLENE T. MARQUESES, Kon. BGen Ben Corona Ret, Kon. Dra. Kristel Nones Guelos, Kon. Eric Manglo, ABC President Isidro Fruelda kasama ang ilang mga kapitan, Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes, TWCC President Atty Cristine Collantes na sumusuporta sa ating lokal na pamahalaan tungo sa pangangalaga sa ating mga Senior Citizen.
#DSWDSocialPension
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCitySoci
Previous Financial Assistance para sa mga Tanaueรฑo

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved