Skills Training Program, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDL)!
Nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa isinagawang Skills Training para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Pamahalaang Lungsod sa Tanauan City Jail.
Layon nito na maibigay sa mga kababayan nating bilanggo ang mga programang lilinang sa kanilang kakayahan. Bahagi rin ito ng ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga PDL patungkol sa Basic hair care services at Manicure and pedicure.
Binigyang papuri naman ni Tanauan City Jail Chief Insp. Marlon Barrun si Mayor Sonny dahil sa pagtugon nito sa kanilang hiling na magkaroon ng Skill Training sa mga PDL. Sa kaniyang pahayag, “Sa halos ilang dekada ko sa paglilingkod bilang Jail Warden ay ngayon lamang ako nkatagpo ng isang Mayor na binibigyang malasakit at bumubuo ng mga programa para sa mga kababayan nating bilanggo.
Binigyan naman ng pagkilala ni Mayor Sonny ang kahalagahan ng buhay ng bawat isa, ani niya “Ang pantay na serbisyo ay dapat natatamasa ng lahat, nararapat din na bigyan ng halaga ang mga taong kasalukuyang nasa proseso ng pagbabago o rehabilitasyon anuman ang nakaraan nitoโ.