Sistematikong programa para sa Transportasyon at maayos na daloy ng trapiko para sa Lungsod ng Tanauan, tinalakay nina Mayor Sonny kasama ang LTFRB!
Isang makahulugang diskusyon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Land Transportation and Franchising Board ang naganap ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Cooperative and Livelihood Development Office sa pamumuno ni Ms. Teresita Fidelino.
Bahagi ng talakayan ang mga paghahanda ng Pamahalaang Lungsod at nasabing ahensya sa usapin ng Public Utility Vehicle Modernization Program. Inilahad ni Mayor Sonny na nararapat tiyakin ng LTFRB na walang maaapektuhang kabuhayan sa sektor ng mga tsuper.
Inihayag naman ng LTFRB ang kanilang patuloy na pakikipag-usap sa mga Tsuper at Operator para sa mga inihanda nilang programa hinggil sa Jeepney Modernization. Aniya, makakaasa ang ating mga tsuper at komyuter na aagapay ang Pamahalaang Nasyunal para sa matagumpay nitong implementasyon.
Iminungkahi naman ng ating butihing Punong Lungsod na patuloy na makikipagtulungan ang ating Lokal na Pamahalaan para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko at sistematikong mga programa ukol sa Transportation system sa Lungsod.