LOOK | Mayor Sonny Perez Collantes na kasalukuyang nasa Daejeon, South Korea, hindi nagpahuli sa pagpupulong kasama ang mga service providers ng SERBISYONG PUBLIKO CARAVAN!
Bagaman abala ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa mga panayam at diskurso sa #UCLG Congress World Summit, nagsumikap pa rin itong dumalo sa pamamagitan ng isang video call habang nakasakay sa bullet train, para sa Assessment and Evaluation ng mga naunang pag-arangkada ng Serbisyong Publiko Caravan (SPC).
Ang naturang programa ay pinangunahan ng Barangay Affairs Office (BAO) sa pamumuno ni Kap. Jiennch “Vey” S. Nones kung saan tinalakay ang mga suhestiyon, susunod na lokasyon at mga bagong ilulunsad na programa sa naturang caravan para sa mas maraming serbisyong maihahandog sa mga barangay.
Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang tanggapan kabilang na ang PNP-Tanauan. Nagpaabot din si Atty. Cristine Collantes at ang ating City Administrator Wilfredo Ablao ng taos pusong suporta sa matagumpay na paglulunsad ng Caravan at tuloy-tuloy na pag-arangkada nito sa mga barangay.
By: Nic