Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Pantay Bata at Pantay Matanda!

Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Pantay Bata at Pantay Matanda!
Muli nanamang umarangkada ang paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw sa Barangay Covered Court ng Pantay Bata sa pamamagitan ng programang Serbisyong Publiko Caravan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Kapitan Miguel Manalo at Kapitana Filipina katuwang ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, tagumpay na naipaabot sa mga kababayan natin sa Barangay Pantay Bata at Pantay Matanda ang iba’t ibang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod kabilang ang libreng tuli, medical and dental check up, libreng bakuna kontra COVID 19, eye consultation, pamamahagi ng mga pananim, libreng pakapon at anti-rabies vaccine sa mga alagang pusa at aso, handog na baboy sa benipisyaryong magsasaka at marami pang iba.
Kasabay nito ang Simultaneous Feeding Program ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang ating City Social Welfare and Development para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa Pantay Bata Elementary School at Pantay Matanda Elementary School kung saan mahigit 900 na estudyante ang nabigyan ng Free Snacks.
Naging bahagi rin ang mga Department Heads ng ibang mga Tanggapan para sumuporta sa nasabing programa, kabilang sina City Treasurer’s Office Head Mr. Fernan Manzanero, City Social Welafare and Development Head Mrs. Vicky Javier, Office of City Veterinary Head Mr. Aries Garcia, City Health Office Head Dra. Anna Dalawampu, Barangay Affairs Office Head Ms. Jiennch Nones.
Present naman ang ating Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na nagpaabot ng kanilang papuri sa napakagandang programa ng ating butihing Mayor para sa ating mga kababayan.
Previous TINGNAN | Pag-arangkada ng mga serbisyong hatid ng mga Tanggapan ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved