Serbisyong Collantes para sa MSMEs, umarangkada sa Brgy. Gonzales ngayong araw!
Kaugnay pa rin sa selebrasyon ng MSME Week sa Lungsod ng Tanauan, patuloy ang pag-arangkada ng Information Education Campaign (IEC) on Enterpreneurship ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa ating mga Tanaueñong mayroon o nais magtayo ng kanilang sariling negosyo sa Brgy. Gonzales.
Alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang mga kawani ng Tanauan CCLDO, ibinahagi rito ang ilan sa mga serbisyong inihahatid ng CCLDO tulad ng mga sumusunod:
• Teaching Learning Services
• MSME Development Services (Marketing Services)
• Tanauan Packaging and Service Center (Product Development and Enhancement Services)
• Special Projects Center (Cooperative Development, Cooperative Operation Sustainability, Cooperative Promotion, Tanauan City Cooperative Development Council Mobilization, etc.)
Samantala, bilang suporta sa ating mga kababayan sa Brgy. Gonzales, nagpaabot naman ng Grocery Packs ang ating Mayor Sonny Perez Collantes katuwang sina Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pangunguna ni Atty. Cristine Collantes at Gonzales Brgy. Kap. Rico Alcazar.