Selebrasyon ng World Teachers’ Day

Selebrasyon ng World Teachers’ Day, Espesyal na ipinagdiwang ng mga guro katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Bilang bahagi ng selebrasyon ng World Teachers Day kahapon, ika-05 ng Oktubre, isang espesyal at engrandreng pagdiriwang ang inihanda ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes bilang pagpupugay sa lahat ng guro dito sa ating Lungsod.
Isa-isa rin na ipinaabot nina Mayor Sonny, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang mga bulaklak sa bawat guro bilang tanda ng pagpapasalamat ng pamahalaang lungsod sa hindi matatawarang sakripisyo’t dedikasyon nila sa sektor ng edukasyon.
Bukod sa concert at live band na nagbigay-saya sa naturang aktibidad, naghandog din ang lokal na pamahalaan ng mga gift certificates, saku-sakong bigas at mga appliances para sa lahat ng guro, kabilang na ang mga munting regalo mula kay Tanauan Institute Chairman of the Board and President Atty. King Collantes at Manila Teachers Partylist Cong. Virgilio Lacson na kinatawanan ni Atty. Ken Wu.
Sa kabilang banda, sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng bawat guro sa pagpapaunlad ng isang Lungsod. Ilan din sa kaniyang ibinahagi ay ang planong pagbibigay ng Educational Scholarship para sa bawat pamilyang Tanaueno at ang libreng tuition fee para sa mga guro sa pampublikong paaralan na nagnanais na kumuha ng kanilang Master’s Degree sa Tanauan Institute.
Nagpaabot din ng suporta at pagbati sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, buong Sangguniang Panlungsod, SGOD Chief Education Supervisor Dr. Maximo Custodio Jr., School Division Superintendent-OIC Mr. Rogelio Opulencia, School Division Superintendent-OIC Assistant Ms. Rhina O. Ilagan, Chief Education Supervisor, CID Dr. Edna Mendoza, TCSHAPresident Ms. Ma. Francia T. Marfa, FPTA President Ms. Antonette C. Corpuz at TCPSTA President Ms. Susan D. Ignacio.
Ang inisyatibong ito ay pagpapakita ng pagsaludo at pasasalamat sa hindi matatawarang pagmamalasakit at paglilingkod sa bayan ng ating mga Gurong Pilipino patuloy na nagdadala ng dangal, hindi lang sa ating mahal na Lungsod ng Tanauan, lalo’t higit sa Sambayanang Pilipino.
Previous HALINA’T PUMASYAL AT MAKIISA sa SIGLAWUAN 2022!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved