Selebrasyon ng MSME Week, binuksan na sa Lungsod ng Tanauan!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. Teresita May Fidelino, pormal nang pinasinayaan ngayong umaga ang Micro, Small, Medium Enterprise (MSME) Week 2023 kung saan umabot sa higit 50 Tanaueñong MSMEs ang nakiisa.
Ayon kay Mayor Sonny, mahalaga sa pagnenegosyo ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at pagnenegosyo bilang motibasyon upang mapaunlad ito. Dagdag pa ng Alkalde, kasalukuyang pinagpaplanuhan na rin ang pagtatayo ng Barangay MSMEs upang mas direktang maipaabot ang mga programa ng CCLDO sa bawat Tanaueño.
Habang ayon kay Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang kaniyang Chief of Staff Atty. King Collantes, palagiang bukas ang kaniyang tanggapan upang ipaabot sa pamahalaang nasyunal ang kanilang mga pangangailangan.
Bahagi rin sa naturang programa ang Galing Entrep Awards kung saan kinilala ang mga natatanging Tanaueñong bahagi ng MSME. Kabilang sa mga binigyang parangal ay sina:
• Ms. April Joy Del Mundo (Padayon) – Most Promising Entrepreneur
• Ms. Angelica Carandang (Angelica’s) – Most Innovative Entrepreneur
• Ms. Juanita Arcega (Sumang Yakap) – Best Practice in Sustainability
• Ms. Gloria Da Capio – Opportunity Seeking
• Ms. Marilou Marqueses – Persistence
• Mr. Daniel Aaron Platon (Yugto) – Risk Taking
• Ms. Elenita Movida (Brodpan Bread Station) – Resiliency
Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa 50 MSMEs na may kabuuang halaga na P250,000 bilang panimulang puhunan para sa kanilang mga negosyo sa ilalim ng programang AGAPAY. Habang ganap na pinakilala naman ang SONNY CART na magiging kaagapay ng ating maliliit na negosyante para sa kanilang mga produkto.
Sa pamamagitan naman ng isinagawang MSME Summit, iba’t ibang mga ahensya tulad ng DOST, DOLE, PCLEDO, SSS, BIR, at Philhealth ang nagbigay-kaalaman patungkol sa mga programa, oportunidad at pamamaraan upang kanilang mapalago ang kanilang mga kakayahan pagdating sa pagnenegosyo.
Bukod dito, kasalukuyang tampok din at maaaring dayuhin ang mga produktong Tanauan na gawa ng ating mga locally -assisted Cooperatives and MSMEs na matatagpuan sa ating Fundawan Market, Brgy. Poblacion 2, Tanauan City.