Selebrasyon ng International Day of Persons With Disability, tagumpay na pinasinayaan sa Lungsod ng Tanauan
Sa pangunguna ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at ng Person with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting ay tagumpay na pinasinayaan ang selebasyon ng International Day of Persons With Disability na ginanap sa Brgy, Balele.
Layon ng pagdiriwang na ito na bigyang-pansin ang mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng nasabing sektor at kilalanin ang kanilang potensyal at kakayahan na makatutulong sa ating komunidad.
Bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, binigyang-diin ni Atty. Cristine na patuloy na itataguyod ng pamahalaang lungsod ang karapatan at pangangailangan ng kanilang sektor at paiigtingin ang mga proyekto’t programang maghahatid ng mga oportunidad para sa ating mga Tanaueño.
Kabilang din sa nakiisa sa nasabing programa ay ang mga miyembro ng PWD Association ng bawat barangay, kabilang na ang iba’t ibang organisasyong tumutulong sa ating mga differently abled na mga kababayan.