Seal of Good Local Governance Pre-Assessment ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang sumasailalim sa Seal of Good Local Governance Pre-Assessment katuwang ang DILG Batangas.
Alinsunod sa paghahatid ng mahusay na pamamalakad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pormal na sinalubong ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga kawani mula DILG Batangas sa pangunguna ni Dir. Abigail N. Andres upang magsagawa ng Seal of Good Local Governance Pre-Assessment katuwang ang Tanauan City Planning and Development Office (CPDO).
Pamamamaraan ito ng nasabing ahensya upang malaman kung nakasusunod ng ating lokal na pamahalaan sa mga kwalipikasyon, alintuntunin at documentary requirements na kinakailangan upang makamit ang SGLG.
Kaugnay rito, ibinahagi naman ni Mayor Sonny ang ilan sa mga programang nakapaloob sa kaniyang 7 Rays Priority Project na kasalukuyang nasa implementasyon na tulad ng paghahatid ng dekalidad na pasilidad at kagamitan sa sektor ng edukasyon, pagtatayo ng Sagip Pamilya Community Housing Project, paglalaan ng pondo para sa Local AICS at Mega Health Center at mas mabilis na Business One-Stop Shop.
Kasama rin sa mga magsisilbing evaluator ay sina DILG Batangas Cluster 3 Head LGOO VII Juel Fatima Dijan-Trinidad, DILG-Tanauan City CLGOO Ms. Charlotte Flor S. Quiza at mga piling kawani ng DILG mula sa ibaโ€™t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas.
Previous Congratulations, Barangay Darasa Lupong Tagapamayapa!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved