Sa adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes na muling ibalik ang ganda at sigla ng turismo sa ating Lungsod, nagsagawa ng Monitoring assessment ang City Community Affairs Office -Tourism Division sa paligid ng Napayong Island sa pangunguna nina Mr. Ed Jallores at Mrs. Malen Calimag.
Ang Napayong Island ay kilala bilang pangalawa sa malaking Isla malapit sa Crater ng Bulkang Taal, tampok dito ang likas na ganda at yaman ng isla kung saan tinagurian itong “breeding ground” dahil sa iba’t ibang uri ng mga isda at mga ibon na naninirahan dito.
Sa tala ng kasaysayan, nagsilbi ang isla bilang kanlungan ng ating mga kababayan noong sumiklab ang World War 2 sa Pilipinas, dito nagtago ang maraming Tanaueño upang makaiwas laban sa pang-aapi ng mga Hapon.
Tunay ngang mayaman ang Lungsod ng Tanauan hindi lamang sa kultura pati na rin sa natatangi nitong taglay sa mga natural na atraksyon katulad ng “Napayong Island”. Kaya naman, sa unti-unting pagbangon ng turismo dulot ng pandaigdigang pandemya, muling ipinakikilala at pinangangalagaan ng ating butihing Mayor ang natatanging ganda ng mga atraksyon sa ating Lungsod.
By: Fash