Rescue Operation at Calamity Response

Rescue Operation at Calamity Response, magkatuwang na paiigtingin ng Pamahalaang Lungsod at Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office!
Upang mapabuti at mapabilis ang operasyon sa tuwing may kalamidad sa Lungsod, nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Dr. Amor Calayan.
Kabilang din sa tinalakay ang pagiging handa ng nasabing Tanggapan sa pagtulong sa ating Lungsod sa tuwing may paparating na mga trahdeya tulad ng bagyo, pagputok ng Bulkan at iba pang uri ng mga kalamidad.
Inihayag naman ni Mayor Sonny na patuloy na susuporta ang ating Lokal na Pamahalaan upang maging kaagapay ng Batangas PDRRMO sa pagpapalawig ng mga pagsasanay patungkol sa Rescue Operation at Emergency Training Response.
Previous Awards Rites of 2023 Gawad Dalubsanay

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved