Regular na pagpupulong kasama ang mga kapitan para sa ilalaang pondo ng Pamahalaang Lungsod.

Sa regular na pagpupulong kasama ang mga kapitan, iba’t ibang mga programa ang tinalakay para bigyang prayoridad ng Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Kabilang sa binigyang pansin ang ilalaang pondo ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes mula sa Quick Response Fund bilang tugon sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo ang kanilang mga tahanan, mga pananim at alagang mga hayop.
Bahagi rin nito ang paghikayat sa mga Kapitan na maging bahagi ng Philippine Air Force Reserve upang maging katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa mga Rescue Operation sa ating mga kababayan tuwing may kalamidad. Kasabay nito sila ay inimbitahan ng ating butihing Mayor para sa Formal Opening ng Christmas Lighting sa ating Lungsod na gaganapin sa Sabado.
Previous Local Health Board Meeting

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved