Sumasailalim ngayong araw sa Seal of Local Good Governance (SGLG) 1st Assessment ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kasama ang Regional Assessment Team ng DILG Region IV-A.
Sa kasalukuyan, nasa proseso na ng validation of documents ang mga sumusunod na area:
• Financial Administration and Sustainability
• Disaster Preparedness
• Social Protection and Sensitiveness
• Business- Friendliness and Competitiveness
Habang mamayang hapon naman magaganap ang Exit Conference ng nasabing aktibidad.