Barangay Child Development Workers, bibigyan ng karagdagang suporta ni Mayor Sonny

Karagdagang suporta para sa masisipag na Child Development Workers, tutugunan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Bilang suporta sa dedikasyon ng mga Barangay Child Development Workers, bibigyan ng karagdagang suporta ni Mayor Sonny ang kanilang serbisyo sa pagseserbisyo para sa ating mga kabataan sa bawat komunidad.
Kabilang dito ang karagdagang Clothing allowance, salary increase at dagdag na gamit tulad ng Laptop para sa mabilis at sistematikong paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat Barangay.
Kaniya ring hinikayat ang bawat isa na patuloy na mahalin ang iniatang na tungkulin at maging kabahagi ng ating Lokal na Pamahalaan sa pagtaguyod ng mas magandang bukas para sa maunlad na henerasyon ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Pamahalaang Lungsod, Sangguniang Barangay ng Darasa at mga pribadong sektor, magtutulungan para sa serbisyo publiko sa Tanauan!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved