Happy New Year, City of Tanauan!

Happy New Year, City of Tanauan!❤️✨
Isang masayang fireworks display ang inihanda nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa mga Tanaueño ngayong gabi bilang bahagi ng salubong #2025 sa Lungsod ng Tanauan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagiging katuwang nito upang makapaghatid ng saya para sa bawat pamilyang Tanaueño.
Habang ipinaabot din ni Mayor Sonny ang kaniyang New Year’s wish para sa mga Tanaueño partikular na ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay, kalusugan at kaligtasan ngayong paparating na 2025.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, isang mapagpala at masaganang bagong taon!🎉
May be an image of one or more people and crowd
Previous Dagsa pa rin ang mga mamimili sa mga tindahan ng paputok sa Brgy. Natatas!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved