RAPID DAMAGE ASSESSMENT AND NEEDS ANALYSIS | Pag-iikot ng CSWD sa mga lugar na lubos na apektado ng Bagyong #KardingPH

RAPID DAMAGE ASSESSMENT AND NEEDS ANALYSIS | Pag-iikot ng CSWD sa mga lugar na lubos na apektado ng Bagyong #KardingPH
Alinsunod sa direktiba ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes na magsagawa ng City Inspection, nagtungo ang CSWD sa Purok 5 at Purok 1 sa Brgy. Wawa upang alamin ang aktuwal na sitwasyon sa lugar.
Isa ang pamilya ni Nanay Victorina M. Vanawa, 70 taong gulang, sa mga nakausap ng mga kawani ng CSWD. Pinasok umano ng baha at putik ang loob ng kanilang bahay at napilitang lumikas para pansamantalang tumuloy sa kanilang kamag-anak kagabi.
Ikinuwento naman ni Mang Ronel Barberon Bernaldez, 38 taong gulang, ang naging sitwasyon kagabi bunsod ng malakas na ulan, ang umapaw na dinadaluyan ng tubig malapit sa kanilang bahay, kaya naman puspusan ang kanyang pagpapala kaninang umaga para hindi na rumagasa ang tubig.
Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng Pamahalaang Lungsod upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng lubos na apektado ng bagyo.
Previous Tanauan City Emergency Disaster Meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved