Pagtugon sa pangangailangan ng mga Tsuper at masusing pagsusuri hinggil sa Public Utility Modernization Program, bahagi ng Transport Forum on PUVMP!
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw ang ilang Transport Group sa Lungsod na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office kasama ang mga opisyales mula sa Department of Transportation, Land Transportation Franchising Regulatory Board, Office of Transport Cooperatives, Nueva Segovia, Development Bank of the Philippines, Land Bank, Lucban Genesis Transport Service and MPC, Batangas Transport Cooperative at Lionsjade Corporation Higer.
Naging daan ito para mapakinggan ang opinyon at boses ng bawat isa bago ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program sa buong bansa. Layon din nito na matugunan ang pangangailangan ng sektor ng mga tsuper para sa kanilang kabuhayan at sa kanilang mga pamilya.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, hinikayat niya ang lahat na magtulong-tulong para sa mas maayos na kabuhayan ng mga Jeepney Driver at sa mas maunlad na transportasyon sa Lungsod ng Tanauan. Inihayag niya rin na bukas ang kaniyang Tanggapan para sa ating mga tsuper upang umagapay at mapakinggan ang kanilang mga hinaing.